Debt portfolio ng Pilipinas, nananatiling “manageable” — Finance Sec. Diokno

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nananatiling “manageable” ang debt portfolio ng Pilipinas ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno.

Ito ang reaksyon ni Diokno kasunod ng pag-akyat ng utang sa P14.15 trilyon as of June 2023 mula sa P14.10 trilyon noong buwan ng Mayo.

Ayon sa Bureau of Treasury, ito ay dahil sa patuloy na pag-utang ng bansa para pondohan ang kakulangan o debt deficit.

Sinabi ni Diokno sa isang panayam na basta proportion ang utang ng bansa sa ating gross domestic product o GDP ay walang dapat ikaalarma.

Paliwanag ng kalihim, bago ang pandemya ay nasa 39% lamang ang utang ng bansa pero tumaas ito dahil sa pangangailangan noong kasagsagan ng pandemya dahil bumagsak ang revenue collection.

Anya, patuloy na naka-focus ngayon ang administrasyong Marcos Jr. na mapababa ang debt-to-GDP ratio at ang 6-8% GDP growth sa loob ng limang taon.

Una nang sinabi ni National Treasurer Rosalie De Leon na ginamit ng bansa ang utang upang lumago ang ekonomiya, habang hindi naman alintana ng mga credit rating agencies ang mga utang ng bansa dahil nakita nila na nananatiling resilient ang debt profile nito. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us