Namahagi ng tents ang Department of Social Welfare and Development (DSWD FO XI) sa mga pamilyang naapektuhan ng sunod-sunod na pagyanig sa probinsya ng Davao de Oro.
Partikular na binigyan ng tents ang mga residente ng Barangay Paloc, Maragusan kung saan 30 family tents at 20 modular tents ang ipinamigay.
Magsisilbing pansamantalang silungan ng mga pamilyang naapektuhan ng lindol ang nasabing tents.
Isa ang bayan ng Maragusan sa matinding tinamaan ng sunod-sunod na lindol kung saan karamihan sa mga kabahayan ang nagkaroon ng bitak dahil sa mga pagyanig.
Hanggang sa kasalukuyan, nagkakaroon pa rin ng mahihinang aftershocks sa Davao de Oro. | ulat ni Macel Dasalla | RP1 Davao