Manila International Airport Authority, magsasagawa ng Aircraft Emergency Exercise bukas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magsasagawa ang Manila International Airport Authority (MIAA) ng isang Crash Rescue Exercise bukas sa airside premises ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Layon ng nasabing aktibidad na masubok ang kahandaan sa pagtugon sa isang air crash incident.

Masusubok din sa nasabing aktibidad ang pagiging epektibo ng mga umiiral na guidelines at procedures na nakapaloob sa MIAA Airport Emergency Plan.

Ayon kay MIAA General Manager Officer-in-Charge Bryan Co, ito ang unang beses rin na magsasagawa ng simulation ang MIAA kung paano ihahandle ang mga kaanak ng mga biktima ng isang aircraft incident.

Siniguro naman ni Co na hindi magagambala ang operasyon ng paliparan habang isinasagawa ang nasabing exercise. | ulat ni Gab Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us