Prayoridad ng pamahalaan na matugunan ang mga nararanasang pagbaha sa iba’t ibang bahagi ng bansa, lalo na ngayong nakararanas ng mga pag-ulan ang Pilipinas.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na para sa 2024 proposed national budget nasa P215.6 billion ang budget na inilaan ng pamahalaan para dito.
Mas mataas ito kumpara sa P185 billion na pondo para sa flood management program ng DPWH ngayong 2023.
Bukod dito, sinabi ng kalihim na mayroon ring foreign assisted projects ang bansa para sa flood control.
Ayon sa kalihim, sa ilalim ng MMDA budget mayroon ring funding na P1.3 billion para sa flood control project sa 2024.
Kung matatandaan ang proposed national budget para sa susunod na taon ay nasa P5.768 trillion. | ulat ni Racquel Bayan