Dating Pangulong Duterte, ni-report kay Pangulong Marcos Jr. ang naging pagbisita niya sa China kamakailan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inilahad ni Senador Christopher ‘Bong’ Go ang ilan sa mga napagpulungan nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanilang pagkikita kagabi.

Ayon kay Go, napag-usapan nina Duterte at Marcos ang naging pagbisita ng dating presidente sa China.

asama na aniya dito ang naging pagkikita nina Duterte at Chinese President Xi Jinping.

Sinabi ni Go, na ni-report ito ni dating Pangulong uterte kay Pangulong Marcos bilang bahagi ng kanyang obligasyon bilang isang filipino citizen.

Tiyak naman aniya ang mambabatas, na inuna ni dating Pangulong Duterte ang interes ng mga Pilipino sa kanyang naging pagpupulong kay President Xi. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us