Para kay Senador Chiz Escudero, magandang hakbang sa pagtugon sa isyu sa West Philippine Sea ang backchanneling talks.
Ayon kay Escudero, dapat ay laging sinasamantala ang mga ganitong oportunidad dahil wala namang perfect time para sa pagsasagawa ng backchannel negotiations.
Kaugnay nito, sang ayon ang senador na maaaring ikonsidera si dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang backchannel negotiator lalo na’t malapit ito kay Chinese President Xi Jin Ping.
Gayunpaman, na kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. pa rin ang huling desisyon tungkol sa usaping ito.
Sinang-ayunan rin ito ni Senate President Juan Miguel Zubiri, pero bukod kay dating Pangulong Duterte ay isa rin aniyang pwedeng ikonsidera na backchannel negotiator ng bansa si Senador Alan Peter Cayetano. | ulat ni Nimfa Asuncion