DND Sec. Teodoro sa mga bansang kumukwestyon sa EDCA: “None of your business”

Facebook
Twitter
LinkedIn

Walang “business” ang ibang mga bansa na kwestyunin ang ginagawa ng Pilipinas sa loob ng teritoryo nito.

Ito ang binigyang diin ni Defense Secretary Gilbert Teodoro, kasabay ng pagsabi na ang lahat ng bansa ay nagtatayo ng sariling base militar, at hindi ito pinakikialaman ng Pilipinas, maliban na lang aniya kung ito ay itinayo sa pinag-aagawang teritoryo.

Pinatutukuyan ng kalihim ang mga base militar ng Pilipinas na pagtatayuan ng mga pasilidad ng mga Amerikano sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

Matatandaang una nang nagpahayag ng pagkabahala si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian sa apat na karagdagang EDCA sites na aniya’y gagamitin ng Estados Unidos para makialam sa sitwasyon sa Taiwan dahil sa lokasyon ng mga ito.

Paliwanag ni Teodoro ang mga EDCA sites ay mga base ng Pilipinas na pangunahing para sa seguridad ng bansa, at gagamitin lang ng Estados Unidos para sa “logistics”.

Binigyang diin pa ng kalihim na ipinagbabawal ng konstitusyon ng Pilipinas ang paglulunsad giyera o opensibang aksyon sa ibang bansa, at kung “paranoid” ang ibang mga bansa sa posibleng paggagamitan ng mga base, problema na nila yun. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us