Pagtalakay sa MUP Pension Reform, target tapusin bago maiakyat sa plenaryo ang 2024 Budget

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sisikapin ng Ad hoc Committee on Military and Uniformed Personnel (MUP) Pension Reform na matapos ang panukalang MUP Pension Reform Bill bago naman isalang sa plenaryo ang 2024 Proposed National Budget.

Ayon sa chair ng ad hoc committee na si Albay Representative Joey Salceda, nagkasundo naman na ang ehekutibo at liderato ng Kamara sa magiging porma ng panukala, bagamat pakikinggan pa rin ang panig ng iba pang stakeholders upang mapaganda pa lalo ang MUP Pension Reform Bill.

“Consensus between the executive agencies and the House leadership has already been hammered out. We will listen to all stakeholders to refine the version, but we have received very positive feedback about the version we have at hand,” saad ni Salceda.

Sa ngayon ani Salceda, sa napagkasunduang bersyon ay matitiyak ang taunang taas sahod ng mga MUP, indexation ng pension, at pampondo sa pension system.

Kabilang sa key features ng panukala ang 3% annual salary increase sa susunod na 10 taon; indexation ngunit lilimitahan lamang sa 50% ng salary increase ng active MUP; contribution scheme; at pagtatatag ng MUP Trust Fund. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us