Prioritization ng DPWH ng mga flood control projects, nais ipasilip ni Sen. Bong Go

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isinusulong ni Senador Christopher ‘Bong’ Go na marebyu ng Senado ang prioritization ng Department of Public Works and Highways (DPWH) pagdating sa mga flood control program ng pamahalaan.

Ang pahayag na ito ng senador ay sa gitna na rin ng gagawing Senate Inquiry sa susunod na linggo tungkol sa nararanasang matinding pagbaha sa bansa.

Gustong malaman ni Go kung ano ang mga lugar na naging prayoridad ng DPWH sa pagkakaroon ng flood control program dahil kahit aniya may ganito nang programa ay matindi pa din ang pagbaha sa maraming lugar, lalo sa Metro Manila.

Sinabi ng mambabatas na kailangang malaman kung anong mga lugar ang mga flood control projects at declogging ng mga canal.

Pabor din si Go sa isinusulong na master plan para sa flood control management para mailatag ng maayos ang proyekto at matugunan na ang problema sa pagbaha sa mga siyudad at lalawigan. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us