Mga poste ng kuryente, pinasusuri na sa LGUs ni DILG Sec. Abalos

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inatasan ngayon ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na pamahalaan na inspeksyunin na ang lahat ng electric posts, construction sites, billboards, at iba pang installations sa kanilang mga nasasakupan.

Kasunod ito ng nangyaring pagbuwal ng ilang poste ng kuryente at telco sa bahagi ng Binondo, Maynila kahapon na ikinasugat ng ilang motorista.

Ayon sa DILG, maglalabas ito ng memorandum circular para sa agad na pagtugon ng mga LGU upang hindi na maulit pa ang insidente.

Una nang pinakilos ni DILG Secretary Benjamin Abalos Jr. ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) at Manila LGU para magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa dahilan ng pagbuwal ng ilang poste ng kuryente at telco sa Binondo, Maynila.

Ayon sa DILG, inatasan na rin nito ang pamahalaang lungsod ng Maynila na aktibong makipag-ugnayan sa electric company na may-ari ng electric posts para agad ring maasistehan ang mga apektado ng insidente. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us