Pumalo pa sa ₱4.47-billion ang halaga ng pinsala na idinulot sa sektor ng agrikultura ng pananalasa ng habagat at bagyong Egay.
As of August 3, nakapagtala na ang Department of Agriculture ng 170,510 na mga magsasaka at mangingisdang apektado ng kalamidad.
Aabot rin sa 195,539 na ektarya ng lupaing sakahan ang nasalanta sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, SOCCSKSARGEN, at Caraga,
Pinaka-apektado pa rin ang rice sector na nasa higit 111,000 ektarya ang napinsala na may katumbas na production loss na 42,754 MT o 0.21% ng total annual production target volume para sa bigas.
Umabot naman sa 81,998 ektarya ng maisan ang nasira din ng bagyo na katumbas ng ₱1.74-billion at higit 1% ng production loss sa total production target volume ng mais ngayong taon.
Nananatili namang nakaantabay na ang assistance ng DA para sa mga apektadong magsasaka kabilang ang ₱65.3-million halaga ng binhing palay at fertilizers; ₱94.7-million halaga ng corn seeds at pesticides; at ₱39.6-milyong halaga ng mga pananim na gulay.
Available na rin ang Survival and Recovery (SURE) Loan Program mula sa Agricultural Credit Policy Council (ACPC) at Quick Response Fund (QRF) para sa rehabilitasyon ng mga apektadong lugar. | ulat ni Merry Ann Bastasa