House panel, nais makuha ang SALN ng mayor ng Mexico, Pampanga dahil sa mga kwestyonableng transaksyon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nais makakuha ng House Committee on Public Accounts ng kopya ng Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALNs) ni Mexico, Pampanga Mayor Teddy Tumang.

Kaugnay pa rin ito ng pagdinig ng komite sa umano’y kuwestiyonableng transaksyon ng alkalde na nagkakahalaga ng ₱149-million.

Ayon kay Abang Lingkod Party-list Representative Joseph Stephen Paduano, chair ng komite, susulat siya sa Office of the Ombudsman upang humingi ng certified copies ng SALN ni Tumang at matukoy kung may kakayanan nga siyang mag-reimburse ng pondo.

Ito’y matapos mapuna ng ilang mambabatas ang ginawang pagre-reimburse ng alkalde sa munisipyo ng ₱43 million mula sa ₱89-milyong transaksyon na na-disallowed ng Commission on Audit (COA) noong 2018.

Ipatatawag din sa pagdinig ang mga nakatransaksyon ni Tumang na sina Rizalito Dizon, Dr. Roberto Tugade, at Eduardo Santiago gayundin ang accountant ng Mexico, Pampanga na si Perlita Lagman.

Tinukoy ng komite nitong Miyerkules ang motu proprio inquiry kaugnay sa umano’y iregularidad sa procurement process na pinasok ng Mexico, Pampanga na posibleng paglabag umano sa auditing, procurement, at ibang alituntunin.

“One of the findings of the audit investigation, item number six, 164 disbursement vouchers totaling ₱26,719,162.53 were processed and paid without the necessary approval by the municipal accountant in
violation of Section 4 of PD (Presidential Decree) 1445 and Section 344 of the local government code. In spite of the fact of the non-signature of the municipal accountant, the municipality of Mexico proceeded with the issuance of check. This is a clear violation [of whatever] accounting rules and regulations…of the COA,” punto ni Surigao del Norte Representative Johnny Pimentel.

Naniniwala naman si Tumang, na present sa pagdinig, na politika ang ugat ng reklamo laban sa kaniya.

“It is clearly politics, as we have already done an extensive study and research before embarking on these projects,” tugon ni Tumang sa kaniyang opening statement. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us