Makakatuwang na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sa programang Oplan Pag-Abot program na nagbibigay tulong sa mga pamilya at indibidwal na nakatira sa lansangan.
Kasunod ito ng pakikipagpulong ni DSWD Sec. Rex Gatchalian kay DHSUD Sec. Jose Acuzar kung saan natalakay ang shelter assistance na maaaring mailaan sa mga pamilyang naabot ng DSWD.
“The shelter assistance is intended for individuals under the Oplan Pag-Abot program, specifically those who do not have a place to stay in their respective provinces after having been shunned by their families,” DSWD chief.
Kabilang sa plano ang pagkakaroon ng temporary shelter para sa mga naabot na pamilya at indibidwal sa lansangan habang pinoproseso pa ang DSWD ang pag-uwi ng mga ito sa kani-kanilang probinsya.
Tinatarget ng dalawang opisyal na magkaroon ng Memorandum of Understanding (MOU) para pormal na maisulong ang partnership sa pagitan ng DSWD at DHSUD.
As of Aug. 2 ay aabot na sa higit 200 indibidwal na ang naasistehan ng DSWD sa nagpapatuloy na reach-out operations nito o ang Oplan Pag-abot sa mga lansangan ng Pasay, Manila, at Caloocan. | ulat ni Merry Ann Bastasa