Hiniling ni Manila Representative Joel Chua ang tulong ng mga barangay sa Binondo upang matukoy kung ano ang sanhi ng pagbagsak ng ilang poste ng kuryente doon.
Re-review-hin aniya nila ang mga CCTV sa lugar upang malaman kung bakit nga ba biglang bumigay ang naturang mga poste.
Nais rin ipasailalim ni Chua sa scientific at technical incident analysis ang nangyari dahil baka ang napakaraming kableng nakakabit sa poste ang isa sa sanhi ng pagbagsak nito.
Pinakokonsidera naman ng mambabatas ang posibilidad na gawin na lang underground ang naturang mga kable lalo na sa bahagi ng Binondo at Quiapo.
“I will also ask engineers and economists to study the feasibility of laying the utility cables underground in some parts of Binondo and Quiapo instead of keeping them hanging on posts. This could be the long-term solution and contribute to the livability of Binondo and Quiapo, which are historical and tourism communities,” ani Chua. | ulat ni Kathleen Jean Forbes