Finance Chief, nagpasalamat sa suporta ni PBBM at ng Kongreso na maipasa ang priority reforms ng DOF bago matapos ang taon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Welcome sa Department of Finance (DOF) ang pagendorso ng Legislative-Executive Development Advisory Council, LEDAC ng limang “key fiscal and economic reforms” na siyang aaprubahan ng Kongreso hanggang December 2023.

Pinasalamatan ni Finance Secretary Benjamin Diokno si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at ang mga mambabatas sa kanilang suporta para makamit ang sustainable and inclusive economic growth.

Kabilang sa priority bills ay ang Public-Private Partnerships (PPP) bill, Ease of Paying Taxes bill, Real Property Valuation and Assessment Reform bill at ang LGU Income Classification bill na pawang pumasa na sa ikatlo and huling pagbasa sa Kamara.

Panglima ay ang reporma sa Military and Uniformed Personnel Pension System.

Ayon kay Finance Undersecretary Cielo Magno, na siyang namumuno sa tax reform team ng kagawaran, patuloy ang kanilang kolaborasyon sa Senado at Kamara para sa naturang legislative agenda. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us