Pilipinas at Vietnam, muling pinagtibay ang commitment na palakasin ang relasyon ng dalawang bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling pinagtibay ng Pilipinas at Vietnam ang commitment nito na patibayin ang strategic partnership at palakasin ang bilateral relations ng dalawang bansa sa isinagawang 10th Philippines-Vietnam Joint Commission on Bilateral Cooperation sa Hanoi, Vietnam.

Sa naging bilateral meeting na kapwa pinamumunuan ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, at ng kanyang counterpart na si G. Bui Thanh Son, binigyang-diin ng dalawang foreign ministers ang tagumpay ng relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Vietnam, at muling pinagtibay ang kahalagahan ng ASEAN Centrality sa pagtataguyod ng kapayapaan at kaunlaran sa rehiyon.

Binigyang-diin ng produktibong pagbisita sa Hanoi ang matatag na ugnayan na tinatamasa ng Pilipinas sa Vietnam, partikular sa larangang political, defense and security, economic, maritime, at socio-cultural cooperation.

Dahil na rin sa nagbabagong landscape ng global security at challenges, ang pagbisita ay nagbigay daan din para sa Pilipinas at Vietnam na tuklasin ang mga bagong areas of cooperation tulad ng digital economy, renewables, at food security.

Samantala, muling giniit ng Vietnam ang kasalukuyang suporta nito sa Pilipinas at nangako na patuloy na makikipagtulungan na mapahusay ang kalakalan at pamumuhunan sa pagitan ng dalawang bansa, at patuloy na susuportahan ang prayoridad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. pagdating sa food security. | ulat ni Gab Humidle Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us