Pag-aaral sa posibleng epekto ng reclamation project sa Manila Bay, dapat silipin ayon sa mga Senador

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri na maaaring kailanganin na magsagawa ng pag-aaral tungkol sa epekto ng reclamation project sa Manila Bay, para matukoy kung dapat ba itong ipatigil na.

Ang pahayag na ito ng Senate President ay kasunod na rin ng pagpapahayag ng US Embassy ng concern sa posibleng negatibo at pang matagalang epekto sa ginagawang reclamation projects sa Manila Bay.

Iminungkahi ni Zubiri, na magpadala ng opisyal na liham ang US embassy sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) tungkol sa kanilang concern.

Gayunpaman, aminado ang senador na dapat ay ginawa na ito sa mga stakeholder meeting bago simulan ang proyekto.

Ipinunto ng mambabatas, na hindi naman mabibigyan ng environmental compliance certificate ang reclamation project kung hindi nagkaroon ng public hearings.

Ganito rin ang punto ni Senador Chiz Escudero…

Ayon sa senador, dapat ay tiningnan muna ng DENR ang concern na ito ng mga stakeholder sa paligid ng Manila Bay bago binigyan ng go signal ang proyekto.

Giit ni Escudero, ang ganitong proyekto ay isa sa mga pinakamalaking proyekto na ginagawa ng pribadong sektor 

Mahirap naman aniyang itigil lang ito basta dahil sa iilang pangamba, at mas mainam aniyang alamin ang totoong kwento dito. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us