Pagdaraos ng Crash Rescue Exercise 2023, matagumpay — MIAA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naging maayos at matagumpay ang isinagawang Crash Rescue Exercise ng Manila International Airport Authority (MIAA), kaninang umaga.

Ayon kay MIAA Officer in Charge General Manager Bryan Co, maayos na naisagawa ng rescue teams ng MIAA ang naturang exercise kasama ang ilang law enforcement at uniform personnel tulad ng Philippine Coast Guard, Philippine Airforce, PNP Aviation Security Group, at Bureau of Fire Protection.

Dagdag pa ni Co, na bagamat maliit na eroplano ang ginamit na demo plane ay nakahanda ang MIAA sa mga mas malalaki pang eroplano sakaling magkaroon ng aberya sa apat na NAIA terminals sa Manila.

Ayon pa kay Co, kahit na isinagawa ang naturang crash exercise ay wala namang naabala na flights ngayong araw. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us