Pinakahuling aktibidad ng Bulkang Bulusan, hindi pa dapat ikaalarma — PHIVOLCS

Facebook
Twitter
LinkedIn

Wala pang dapat na ikabahala ang publiko kaugnay sa Bulkang Bulusan, kahit nakapagtala ito ng walong tectonic earthquake noong Martes (August 1).

Ito, ayon kay PHIVOLCS OIC Dr. Teresito Bacolcol ay dahil base sa kanilang pinakahuling datos, mula kahapon hanggang kaninang madaling araw, nasa apat na lamang ang tectonic earthquakes na kanilang naitala.

“There is always this possibility na magkakaroon ng phreatic eruption, kasi iyong phreatic eruption po, this is just water coming into contact with hot material. So kapag umuulan, puwede pong magkaroon ng phreatic reaction.” — Dr. Bacolcol.

Sa briefing ng Laging Handa, siniguro ng opisyal na nakabantay pa rin sila sa mga parameters, at sa pinakahuling aktibidad ng Bulkang Bulusan.

Sa ganitong paraan, agad na maiaakyat sa Alert Level 1 ang alerto ng bulkan sakaling kakitaan ito ng pagbabago.

Sa kasalukuyan, mananatili aniya ang bulkan sa Alert Level 0. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us