Pamahalaan, puspusan na ang kooperasyon sa gas stations para sa pansamantalang shelter ng motorcycle riders tuwing umuulan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Marami nang gasoline stations ang nagbigay ng commitment sa Metro Manila Development Authority (MMDA) para sa pagtatayo ng temporary shelters para sa mga motorista, tuwing umuulan.

Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni MMDA Director for Traffic Victor Nuñez na isinasapinal na nila ang concept design para sa programang ito.

Layon nitong masiguro ang kaligtasan ng mga nagmomotorsiklo tuwing nakararanas ng malakas na ulan sa bansa.

Aniya, base sa mga nakausap nilang gasoline companies, handa ang mga ito na tumulong sa layon ng gobyerno.

Hinihintay na lamang nila ang actual design, upang matukoy kung gaano kalaking espasyo ang kakailanganin.

“May mga nakausap na kami at willing naman sila. They’re just waiting for our actual design saka ilan iyong kakaining espasyo sa kanilang mga gasoline stations at marami na rin hong nag-commit sa amin na magbibigay ng mga tents. Iyon na lang talaga, iyong spaces na paglalaanan ng mga tents natin na magiging temporary shelters ng mga magsusuot ng raingears sa ating mga riders.” — Atty. Nuñez. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us