Mambabatas, ipinanawagang buhayin ang emergency bays na maaaring masilungan ng mga motorcycle rider kapag umuulan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan ni Senador JV Ejercito na buhayin ang emergency bays sa mga kalsada na pwedeng mahintuan at masilungan ng mga motorcycle rider kapag umuulan.

Isa ito sa nakikitang solusyon ni Ejercito sa gitna ng isyu sa ipinatutupad ng MMDA na pagbabawal sa mga rider na sumilong sa mga footbridge kapag naabutan ng ulan.

Nauunawaan aniya ng senador ang MMDA sa pagpapatupad ng kautusang ito dahil bukod sa nakakaabala sa kalsada ang mga humihintong rider ay delikado rin ito at maaaring magdulot ng aksidente.

Gayunpaman, iginiit ng mambabatas na naiintindihan din niya ang panig ng mga rider laban sa P1,000 multang ipinatutupad na napakalaki lalo na para sa mga delivery rider.

Iminungkahi rin ni Ejercito na magpatupad ng malawakang education campaign sa mga rider para paalalahanan sa tamang paghahanda sa kanilang biyahe at ibaba ang multa sa P100 o P200 sa paglabag sa nabanggit na regulasyon. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us