CDO solon, dismayado sa hatol ng korte sa Baguio kaugnay sa hazing ng PMA cadet na si Darwin Dormitorio

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dismayado si Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez na ‘slight physical injuries’ lang ang hatol ng korte sa Baguio laban sa dalawang Philippine Military Academy (PMA) cadet na sangkot sa pagkamatay ni Darwin Dormitorio noong 2019.

Aniya, ang desisyon na ito ng korte ay pagsira sa layunin ng Anti-Hazing Law.

Nabigo aniya ang korte na iparating ang mensahe na ang sinomang nakibahagi sa hazing ay mananagot sa batas.

“I am utterly disappointed with the verdict, which is like a slap on the wrist. The kid-gloves decision will not discourage hazing. It is a travesty of the Anti-Hazing Law. Anyone participating in this cruel and deadly activity should pay a heavy price to discourage similar offenses in the future. The law must be applied to its fullest extent so we can save lives,” diin ni Rodriguez.

Kasabay nito ay hiniling din ng mambabatas na gawing mabilis ang pag-dinig sa hazing cases.

Aniya, ang kaso ni Dormitorio ay mag-a-apat na taon na ngunit wala pa rin hustisya sa pagkamatay niya.

“Darwin Dormitorio, my constituent in Cagayan de Oro City, was beaten to death by his PMA seniors in September 2019, or four years next month. His family is still grieving because justice remains elusive. The four-year pendency of the case is adding insult to injury,” dagdag ng kinatawan.

Sa desisyon ng Baguio Municipal Trial Court Branch 1, hinatulang guilty sa kasong slight physical injuries sina PMA cadets Julius Tadena at Christian Zacarias.

Nahaharap sila sa tatlompung araw na pagkakakulong at danyos na P100,000 at P50,000 na legal fees. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us