Inihahanda na ng Regional Development Council (RDC)-Region 1 ang rehabilitation and recovery activities sa iba’t ibang lugar sa rehiyon na labis na napinsala sa pananalasa ng Super Typhoon Egay.
Inihayag ni Vida Karna D. Bacani, OIC-Division Chief ng Planning and Policy Formulation Division ng NEDA-Region 1 na nagsagawa ang Regional Disaster Risk Reduction and Management Council ng Special Meeting kahapon at dito tinalakay ang gagawing rehabilitation and recovery activities sa sektor ng agrikultura at imprastraktura.
Tiniyak nito na pinapabilis ng RDC-Region 1 ang rehabilitation and recovery activities para mas maagang makabangon ang mga nasalanta sa rehiyon na kinabibilangan ng La Union, Pangasinan, Ilocos Sur at Ilocos Norte.
Batay sa impormasyong nakalap ng Radyo Pilipinas-Agoo, sa La Union ay aabot na sa P95 Million ang halaga ng pinsalang idinulot ng bagyo sa sektor nga agrikultura habang P1.6-Billion naman sa sektor ng imprastraktura.| ulat ni Glenda B. Sarac| RP1 Agoo