Road repair sa ilang bahagi ng EDSA Bus Carousel, natapos na -MMDA

Facebook
Twitter
LinkedIn

May ilang lugar na sa kahabaan ng EDSA Bus Carousel ang tapos na sa ginagawang asphalt overlay at road repair ng Department of Public Works and Highways.

Ang emergency road repairs ay pinasimulan noong gabi ng Agosto 4.

Kabilang sa natapos na sa asphalt overlay ay ang bahagi ng EDSA Southbound sa BBM Headquartes (near Octoboy) – BDO. Kasunod naman ay ang bahagi ng EDSA bago dumating ng tulay ng Guadalupe (whole length).

Sa bahagi naman ng EDSA Northbound, natapos na rin ang Corinthians Gardens, pagkalagpas ng Camp Aguinaldo, bago dumating ng MMDA (Sunshine Media Marketing), Guadalupe MRT – Guadalupe Bridge at harapan ng Ricoa – Avida Towers.

Ang iba pang bahagi ng EDSA Bus Carousel ay tuloy-tuloy pa ang isinasagawang repair at road asphalting.

Sa EDSA Northbound naman ay ang mga sumusunod:

-MRT3 GMA Kamuning Station hanggang ETON Centris (road asphalting)

-Footbridge bago ang Trinoma hanggang Landmark Trinoma (concrete re-blocking)

– Footbridge sa may Trinoma hanggang SM North (concrete re-blocking)

– Nice Hotel hanggang Muñoz (concrete re-blocking)

-Floor Central hanggang Wilcon (concrete re-blocking)

Samantala, sa EDSA Southbound:

– Philam Homes (concrete re-blocking)

– Benitez St. (concrete re-blocking)

– Centris Station hanggang Scout Albano (concrete re-blocking)

– Lagarian Bridge hanggang Savemore (road asphalting)

Tatagal ang pagkukumpuni sa mga lubak at sirang bahagi ng EDSA Bus Carousel hanggang Miyerkules ng umaga. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us