Ilang kalsada sa Malabon, pansamantalang isasara dahil sa opening ng Sportfest 2023

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ilang bahagi ng kalsada sa lungaod ng Malabon ang pansamantalang isasara simula mamayang alas-11:00 ng umaga para magbigay daan sa gaganaping Malabon Sportsfest 2023.

Sa inilabas na traffic advisory, apektado sa road closure ang Sacristia cor. C. Arellano, F. Sevilla Boulevard, Rizal Avenue cor. Manapat at General Luna, Rizal Avenue.

Nagpatupad ng rerouting sa lugar kung saan magiging 2-way ang General Luna Avenue mula Spring hanggang Rizal Avenue.

Lahat ng mga sasakyang manggagaling sa Tonsuyo papuntang Bayan ay maaaring dumaan sa General Luna Avenue at kumaliwa sa Sacristia Street patungong F. Sevilla Boulevard.

Ang mga sasakyang manggagaling sa F. Sevilla Boulevard papuntang Tonsuya ay maaaring dumaan sa Estrella Street at kumanan sa Leono Street pakaliwa sa Manapat Street.

Inaanyayahan naman ni Malabon Mayor Jeannie Sandoval ang publiko na makiisa sa pagbubukas ng Sportfest na dadaluhan ng ilang kilalang personalidad. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us