Nasa 12 pang road section sa Northern at Central Luzon ang hindi pa madaanan ng mga motorista matapos ang pananalasang dulot ng bagyong Egay at habagat.
Sa ulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH), 7 sa mga kalsadang ito ay matatagpuan sa Cordillera Administrative Region, 2 sa Rehiyon 1, at 3 sa Rehiyon 3.
Hindi madaanan ang mga apektadong kalsada dahil sa pagguho ng lupa, nagtumbahang mga puno, pagkaputol ng kalsada at pagkasira ng tulay.
Sinabi pa ng DPWH, may 11 pang road sections ang may limitadong pag-access, 2 dito ay sa CAR, 5 sa Rehiyon 1 at 3 sa Rehiyon 3.
Samantala, ang lahat naman ng national roads at mga tulay sa iba pang affected regions ay passable sa lahat ng sasakyan. | ulat ni Rey Ferrer