Muling magbubukas ang National Museum of the Philippines-Bicol sa darating na ika-8 ng Agosto matapos itong magsara noong June 9 dahil sa pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.
Ito ay kinumpirma mismo ng pamunuan ng National Museum of the Philippines-Bicol sa kanilang Facebook page matapos ang dalawang buwang tigil operasyon.
Bagama’t nakataas pa rin sa Alert Level 3 ang status ng Bulkang Mayon. Nilayon pa rin ng nasabing museyo na buksan ang indoor at outdoor exhibitions nito kung saan tampok ang kasaysayan ng bulkan.
Bukas ang National Museum of the Philippines – Bicol simula Martes hanggang Linggo, alas-9:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.
Free admission at libre rin ang tour guides sa mga walk-in at nakapagpareserve.
Ang National Museum of the Philippines – Bicol ay isa 18 museyo sa labas ng National Capital Region kung saan tampok ang kultura at kasaysayan ng Bicol. | ulat ni Garry Carillo | RP1 Albay