Kasalukuyan nang isinasagawa ng Maynilad Water Services ang replacement ng lahat ng 14 na ultrafiltration (UF) Membranes ng Putatan Water Treatment Plant 2.
Layon nitong mapanatili ang optimum filtration capacity sa treatment plant facility bilang paghahanda
sa pagdating ng Amihan season lalo na kapag tumaas ang turbidity level ng raw water ng Laguna Lake na karaniwang nangyayari.
Ang membranes ay pinapalitan in batches, upang malimitahan ang pagbaba ng produksyon ng tubig sa mga kostumer.
Sinabi pa ng Maynilad, natapos na nito ang replacement ng initial batch ng tatlong ultrafiltration membranes at isusunod na ang natitirang 11 units.
Dahil dito, asahan na ang daily water service interruption sa bahagi ng Las Piñas City, Bacoor City at Imus City simula Agosto 8 hanggang Nobyembre 2, 2023. | ulat ni Rey Ferrer