Atletang produkto ng Track and Field Grassroots Development Program ng lalawigan ng Bohol, nakapag-uwi ng karangalan mula sa Palarong Pambasa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naging matagumpay ang paglaban ng tatlong batang atleta mula sa lalawigan ng Bohol sa kanilang pagrepresenta sa Central Visayas region sa katatapos na 2023 Palarong Pambansa.

Nakapag-uwi ng gold medal mula sa 400-meter dash at silver medal mula sa 800-meter dash si Ma. Emely Balunan, isang high school student mula sa bayan ng Garcia Hernandez.

Si Justin Manuel Rosario mula sa bayan ng Jagna naman ay nakapag-uwi ng bronze medal sa 1500-meter run sa elementary boys’ category.

Bagama’t walang naiuwing medalya, nagtapos sa ikalimang pwesto sa 3000-meter run sa secondary girls ang tubong Baclayon na si Liznie Delfino.

Maituturing itong tagumpay ng Track and Field Grassroots Development Program ng Provincial Government of Bohol dahil ang tatlo ay pawang mga produkto ng nasabing programa na pinangungunahan ng Provincial Youth Development Office (PYDO). | ulat ni Jessa Agua-Ylanan | RP1 Cebu

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us