Pagtatayo ng karagdagang pabahay sa Pasig at Navotas, pasisimulan na -NHA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sisimulan na ng National Housing Authority ang pagtatayo ng mga proyektong pabahay sa mga lungsod ng Pasig at Navotas.

Aarangkada na sa Martes, Agosto 8 ang magkasunod na groundbreaking ceremony na pangungunahan ni NHA General Manager Joeben Tai.

Itatayo sa Brgy. Sta. Lucia, Pasig City ang Manggahan Residences Phase 3B, na may dalawang Low Rise Building na may tig-limang palapag at bubuo sa 108 units.

Bahagi ng Phase 3 project ang pagtatayo ng lima pang karagdagang mga gusali para makumpleto ang nakaplanong 420 units.

Ang pabahay ay para sa informal settler families na nakatira sa gilid ng Manggahan Floodway.

Samantala, 24 na low rise building naman na may tig-limang palapag at may 1,440 housing units ang itatayo sa barangay Tanza sa Navotas City.

Inilaan din ito para sa 6,500 natitirang informal settler families na nakatira sa mga mapanganib na lugar sa lungsod. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us