Bolinao Falls, muling binuksan sa publiko matapos ang mahigit dalawang linggong pagsasara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binuksan na muli ang Bolinao Falls sa Bolinao, Pangasinan para sa lahat bisita at mga turista ngayong araw, ika-06 Agosto 2023.

Matatandaang mahigit dalawang linggong isinara ng Lokal na Pamahalaan ng Bolinao ang Bolinao Falls dahil narin sa pangamba sa kaligtasan ng mga bisita at turista.

Nakaranas ng maputik, malakas na agos at malalim na lebel ng tubig ang nasabing talon kaya naman napagpasyahan na pamsamantala muna itong isarado sa publiko.

Samantala, bukas narin sa publiko ang pamosong Patar Public Beach sa parehong bayan.

Mahigpit namang ipinapatupad ang No Lifevest, No Swimming policy sa talon upang masigurado ang kaligtasan ng mga turista.

Nagpaalala naman ang Bolinao Tourism Office sa mga turista na ibayong mag-ingat at unahin palagi ang kaligtasan ng sarili.| ulat ni Ricky Casipit| RP1 Dagupan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us