Pinaalalaahanan ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang publiko na hindi pinapayagan ang pagpapagawa online ng PhilID o ePhilID.
Ayon sa PSA, tanging ahensiya lamang ang awtorisadong mag-isyu ng PhilID sa rehistradong indibidwal.
Ang pagpapagawa nito sa online ay mahigpit na ipinagbabawal.
Babala pa ng PSA na may katapat na kaparusahan ito ayon sa Republic Act 11055 o mas kilala bilang Philippine Identification (Philsys) Act.
Sa halip, hinihikayat ang publiko na i-report sa PSA ang mga nag-aalok nito sa social media.| ulat ni Rey Ferrer