Naging matagumpay ang pagdaraos ng ikalawang Konsyerto sa Palasyo para sa mga Pilipino na dinaluhan ng nasa 300 mga atleta.
Kabilang na ang Filipino Gymnast na si Carlos Yulo.
Ang programang ito ay inihanda ng Office of the President (OP) kung saan sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta – Marcos mismo ang nanguna sa pagbi-bigay pugay sa mga atleta.
Present rin sina:
Senator Manny Pacquiao
ES Lucas Bersamin
DOTr Jaime Bautista
DOT Christina Frasco
NSA Eduardo Año
Senator Christopher Go
Ang programang ito ay hindi lamang upang kilalanin ang mga atletang nagtatayo ng watawat ng Pilipinas sa international competitions, bagkus ay upang itampok rin ang galing ng local artists mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ilan lamang sa mga nagtanghal ay ang mga manga-awit na sina:
Chloe Redondo,
Emman Buñao,
Jopper Ril, at
Kevin Traqueña
| ulat ni Racquel Bayan