Kapakanan ng mga OFW, isusulong ng mga mambabatas sa ASEAN Parliamentaty Forum

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itutulak ni House Speaker Martin Romualdez ang mga usapin na nakakaapekto sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa kaniyang pagdalo sa ASEAN Inter-Parliamentary Assembly (AIPA) na gaganapin sa Indonesia ngayong araw, August 7.

Sa pagharap ng House leader sa Filipino community sa Jakarta, Indonesia, iginiit nito ang pagbibigay halaga ng Marcos Jr. administration sa kaligtasan, kagalingan, at proteksyon ng mga OFW na nagsasakripisyo at tumutulong sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa.

“I will bring with me all the cheers, kind intentions, and goodwill of the Filipinos who are present here today and from all over the world,” saad ng House Speaker.

Kaya aniya, nagpasya siyang dumalo sa AIPA ngayong taon dahil maraming isyu na kailangan talakayin kasama ang mga kapwa niya mambabatas mula sa mga bansa sa ASEAN at BIMP-EAGA.

Kasama aniya rito ang mga batas na kailangang ipasa para mapalakas ang ating mga ekonomiya at makapag bigay ng mas maraming trabaho sa bansa upang hindi na nila kailanganin pang mag-abroad.

“Many of you are abroad working for multinational companies. Why don’t we open our economy to these multinational firms so you can have the choice of working for these companies in our country where you can still come home every day to your families,” ani Romualdez.

Kasabay nito ay kinilala rin ng House Speaker ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga Pilipino sa Indonesia na nagtatrabaho doon bilang mga guro, executive ng kompanya, consultant ng mga negosyo, engineers, accountant, abogado, at mamumuhunan. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us