NLEX Corp., binigyan na ng pahintulot ng Toll Regulatory Board para sa pagsingil ng NLEX-SLEX Connector Road simula bukas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinahintulutan na ng Department of Transportation (DOTr) at Toll Regulatory Board ang paniningil ng NLEX Corporation sa Phase 1 ng NLEX-SLEX Connector Project mula Caloocan C3 hanggang España sa Maynila bukas August 8.

Ayon sa DOTr ay matagal nang libreng napakinabangan ng ating mga motorista ang naturang toll road dahil ito’y binuksan sa publiko noong March 29 kaya naman dapat lamang na maningil na ang NLEX.

Ayon naman sa Toll Regulatory Board simula bukas ₱86 ang singil sa Class 1 vehicle at ₱215 naman sa Class 2 vehicles, at nasa ₱302 naman para sa Class 3 vehicles.

Samantala, ang nalalabing parte ng NLEX-SLEX Connector mula España hanggang Skyway Stage 3 ay bubuksan sa 4th quarter ngayong taon. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us