Personal na binisita ni Baguio Rep. Mark Go ang mga nasunugan sa Baguio Public Market.
Aniya, mabigat sa kaniyang damdamin ang sinapit ng hindi bababa sa 1,600 nagtitinda sa Bloc 3 at 4 ng Baguio Public Market.
Nangako naman ito na magpapaabot agad ng tulong pinansyal sa mga naapektuhan ng sunog.
Pinasalamatan din ng kinatawan ang mga bumbero na tumugon at umapula sa sunog.
Nagsimula ang sunog pasado alas-11:00 gabi ng Marso 11. Umabot pa ito sa ika-apat na alarma bago naapula pasado alas-4:00, Linggo ng umaga. | ulat ni Kathleen Jean Forbes