Maghahain ng resolusyon si Cagayan de Oro Representative Rufus Rodriguez l, upang kondenahin ang paggamit ng Chinese Coast Guard ng water canon para itaboy ang Philippine Coast Guard, na nag-escort sa pagdadala ng suplay sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Kasabay nito, muling ipinanawagan ni Rodriguez ang pag-recall sa ating embahador sa China, at alisin ang Philippine Embassy sa Beijing bilang protesta.
Diin pa ng mambabatas, na ang patuloy na paglabag ng China sa ating sovereign rights sa West Philippine Sea ay dapat nang tugunan at tindigan ng pamahalaan.
Suportado naman ng kinatawan ang hakbang ng Marcos Jr. Administration, na palakasin ang defense treaty ng bansa kasama ang US at iba pang kaalyadong nasyon sa Asia-Pacific Region. | ulat ni Kathleen Forbes