VP Sara Duterte, nanawagan ng “bayanihan” sa pagsasagawa ng Brigada Eskwela 2023 

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa ginanap na national kick-off ceremony ng Brigada Eskwela 2023 sa Tarlac National High School, ngayong araw. 

Nanawagan si Vice President at Education Secretary Sara Duterte na pairalin ang “bayanihan” spirit sa mga Pilipino para sa paghahanda sa pagbabalik-eskwela sa mga pampublikong paaralan ngayong buwan. 

Sa talumpati ni VP Sara, sinabi nito na ang Brigada Eskwela ay nagpapakita ng bayanihan sa mga Pilipino para matiyak na magiging maayos at malinis ang mga pampublikong paaralan sa pasukan. 

Ang Brigada Eskwela ay isang nationwide school maintenance program katuwang ang lahat ng education stakeholders sa bansa sa paglalaan ng kanilang oras, pagsisikap, at pagbibigay ng resources upang masiguro na handa ang lahat ng mga pampublikong paaralan sa bansa sa pagbubukas ng klase. 

Isasagawa ito simula sa August 14 hanggang sa August 19, kung saan magsasagawa ng paglilinis, pagkukumpuni, at maintenance work sa mga pampublikong paaralan. 

Matatandaang inanunsyo ng Department of Education ang pagsisimula ng pasukan sa mga pampublikong paaralan para sa School Year 2023-2024 sa August 29. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us