Problema ng stakeholders ng PUV Modernization Program, reresolbahin ng LTFRB

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga stakeholder ng public utility vehicle modernization program (PUVMP) na patuloy itong gumagawa ng hakbang upang matugunan ang kanilang hinaing.

Sa ginanap na consultation meeting sa Bacoor Cavite,

hinarap nina LTFRB Board Members Engr. Riza Marie Paches at Atty. Mercy Jane Paras-Leynes

ang mga stakeholder sa MUCEP area na kinabibilangan ng Metro Manila , Rizal, Laguna, Cavite, at iba pa.

Tinalakay sa konsultasyon ang iba’t ibang isyu na humahadlang sa mga tsuper at operator sa pagsali sa PUVMP.

Kabilang dito ang hinggil sa isyu ng kolorum, proseso ng consolidation, tulong-pinansyal at hanap-buhay para sa mga sumali sa programa at ang kawalan ng Local Public Transport Route Plan (LPTRP).

Sa panig ng LTFRB, ilan sa mga  isyu ay nagawan na ng paraan tulad ng pag-aalok ng Tsuper Iskolar at Entsuperneur Programs, at ang paglabas ng alternative certificate para naman sa mga rutang hindi pa nabibigyan ng LPTRP.

Bukod dito, ipinaliwanag din sa pulong ang iba pang mga benepisyo ng PUVMP. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us