DSWD, nakapamahagi na ng higit P46-M halaga ng tulong sa mga biktima ng kalamidad sa Central Luzon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mahigit P46.4 million halaga ng relief assistance ang naipamahagi na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Regional Office sa local government units sa Central Luzon.

Sa kabuuang halaga, higit P19.1 million ang naipamahagi sa lokalidad ng Pampanga.

Hanggang Agosto 6, kabuuang 214,343 pamilya ang naitala ng DSWD na naapektuhan ng mga pagbaha sa iba’t ibang bayan sa Pampanga.

Kasabay ng pagbisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa lalawigan kaninang umaga, namahagi din ng family food packs at cash aid ang DSWD sa mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha.

Si DSWD Secretary Rex Gatchalian ay kabilang sa mga Cabinet members na kasama ni Pangulong Marcos Jr. ng magtungo sa Pampanga. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us