Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Womenβs Month, isinagawa ang isang art exhibit sa Quezon City.
Tampok sa exhibit ang mga obra at paintings na gawa mismo ng kababaihan.
Kabilang sa exhibit ang ibaβt ibang mga obra na nagpapakita ng women empowerment.
Ayon sa exhibitor at organizer, suportado nila ang mga ganitong programa na siyang nagpapakita ng kahalagahan ng kababaihan at para maipakita rin ang talento ng mga ito sa sining.
Ibaβt ibang mga uri ng sining ang tampok sa exhibit na nagpapakitang anuman ang mga trabaho ay kaya ring gawin ng kababaihan.
Dinaluhan ang selebrasyon ng mga kababaihan na mula sa ibaβt ibang larangan at propesyon.
Kabilang sa dumalo ay ang abogadong si Atty. Lorna Kapunan, ayon kay Kapunan, mahalaga ang mga ganitong selebrasyon lalo na kung tatalakay sa kahalagahan ng kababaihan sa ating bansa. | ulat ni Janze Macahilas