Mga magulang, pinayuhang sa established stores bumili ng school supply upang masiguro ang kalidad ng mga produkto

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinapayuhan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga magulang o mamimili ng school supply na sa established na tindahan na lamang bumili ng mga kagamitan ng mga estudyante. 

Pahayag ito ni Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Ruth Castelo, kasunod ng naitalang pagtaas sa presyo ng school supply ilang linggo bago ang opisyal na pagbubukas ng klase ng mga mag-aaral sa August 29. 

“Actually, halos lahat po ng school supplies natin, tumaas na this year. Umpisahan po natin iyan sa notebook, pad paper or other writing materials, pati crayons po, eraser, sharpener, ruler – iyan po, tinitingnan natin ang presyo.” —Usec. Castelo.

Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ng opisyal na sa ganitong paraan masisiguro rin ang kalidad ng mga gamit pang eskwela na kanilang bibilhin. 

“Kasi pag sa sidewalk po, mura nga pero ‘yung kalidad ay hindi po tayo sigurado. So, hanggat maaari doon po tayo bibili sa mga established na na nagtitinda ng school supplies.” —Usec Castelo.

Ayon sa opisyal, nasa P7.50 ang average na itinaas ng presyo ng school supply.

“Nag-publish po kami ng gabay or balik eskwela, pwede pong sudin ang presyo na iyon. Ito iyong sigurado ang DTI ina ito po talaga iyong presyo, depende sa brand, or sa size, or kung notebook siya sa number of leaves.” —Usec Castelo. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us