Nakahanda na ang mga kapulisan ng Police Regional Office IX para sa pagpapatupad ng Oplan Balik Eskwela sa rehiyon ng Zamboanga Peninsula nitong buwan ng Agosto.
Ayon kay PRO-IX Spokesperson Lt. Col. Helen Galvez, kinikilala ng Philippine National Police ang ligtas na educational environment para sa mga mag-aaral sa pagbabalik eskwela.
Magpapatupad aniya ang PRO-IX ng mga hakbang upang masiguro ang lagay ng trapiko, maiwasan ang mga krimen, at mapagtibay ang seguridad sa mga paaralan.
Aniya prayoridad ng kapulisan na siguruhin ang kaligtasan ng mga mag-aaral, mga guro, at mga magulang at guardians sa pagsimula klase.
Inaasahan ani Galvez na ipatutupad ang Oplan Balik Eskwela sa darating na Agosto 20 nitong taon sa pagbubukas ng School Year Calendar 2023-2024.| ulat ni Justin Bulanon| RP1 Zamboanga