Binuksan ng isang parada na nilahokan ng mga delegado mula sa ibaโt ibang school district ang Sulu Provincial Athletics Association Meet o SPAAM ngayong taong 2023.
Tatagal ng isang linggo ang sporting event na ngayon lamang naibalik matapos ang halos dalawang taon natigil dahil sa pandemya.
Sa opening ceremony, humakot agad ng special award ang Pangutaran delegation na kinilala ni Schools Division Superintendent Kiram Irilis bilang Most Discipline Athlete, Best Uniform at Biggest delegation na nakatanggap ng P15,000.
Napuno ng mga manonood ang Provincial Sports Complex na magpapakita lamang ng pagnanais ng mga estudyante, magulang at mga mamamayan ng lalawigan na matunghayan muli ang paligsahan at pagalingan sa iba’t ibang laro tulad ng football, basketball, softball, volleyball, badminton, tennis, chess, swimming at athletics.
Bagamaโt hindi nakadalo si Governor Abdusakur M. Tan humalili naman sa kaniya si Provincial Administrator Erwin Q. Tan upang pormal buksan ang pagsisimula ng sporting event. | ulat ni Eloiza Mohammad | RP1 Jolo