Underground leak ng tubig sa Parañaque, natapos ng i-repair ng Maynilad

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakarekober ang Maynilad Water Services ng may 10 million litro ng tubig kada araw pagkatapos ng repair sa underground leak sa kahabaan ng West service road ng Parañaque.

Isinagawa ang repair nang makita ang tumatagas na tubig sa 900mm-diameter primary line sa kahabaan ng West Service Road malapit sa Sun Valley Drive.

Ang non-surfacing leak ay nadiskubre nang ang Maynilad engineers ay nagsasagawa ng pipe inspection at network audit activities sa lugar gamit ang state-of-the-art leak detection equipment at data analytics.

Matapos maayos ang leak, nagbigay ito ng pagtaas ng average increase na 3 psi (pounds per square inch) sa water pressure sa kalapit na mga lugar.

Dahil dito, nabenepisyuhan ang mahigit 100,000 customers mula sa pitong subdibisyon sa Parañaque City na nagkaroon ng 24 oras na suplay ng tubig na may 7 psi pressure.

Ang proactive repair ng pipe leaks ay bahagi ng Non-Revenue Water Management (NRW) Program ng Maynilad.

Target ng Maynilad na maka recover ng may 100 MLD(million liters per day) ng suplay ng tubig mula sa NRW projects ngayong taon.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us