BIR at multi sectoral group lumagda sa kasunduan para sa maayos na pagbubuwis

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagkasundo na magtulungan ang Bureau of Internal Revenue (BIR) at multi-sectoral groups para sa maayos na pagbubuwis sa bansa.

Isang Memorandum of Agreement ang pormal nang nilagdaan ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. at ng multi-sectoral groups ukol dito.

Sinabi ni Lumagui na sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng ahensiya sa pribadong sektor ay magkakaroon ng epektibong taxation at revenue collection sa bansa.

Nagpasalamat din ito sa nasabing sektor dahil sa pamamagitan ngkasunduan ay higit na mapalawak ang striktong pagsunod at maayos na pangangasiwa sa sistema ng pagbubuwis.

Ilan sa mga lumagda sa kasunduan ang Philippine Chamber of Commerce and Industry, Phil Institute of Certified Public Accountants, Finex, MAP, PHILEXPORT, Joint Foreign Chambers of the Philippines at iba pa.

Umaasa ang BIR Chief na malaki ang maiaambag ng mga ito upang makamit ang target collection ng ahensiya na umaabot sa Php 2.6 trilyon ngayong 2023.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us