Kapitan ng lumubog na bangka sa Binangonan, umamin na sinuhulan ang Philippine Coast Guard para makapaglayag; kapitan, hindi rin lisensyadong magpatakbo ng motorbanca

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umamin ang kapitan ng tumaob na MB Aya Express na nagbigay siya ng ‘pampangiti’ o suhol sa tauhan ng Philippine Coast Guard para payagang makapaglayag ang MB Princess Aya noong July 27.

Sa pagdinig ng Senado tungkol sa pagtaob ng naturang motorbanca na ikinasawi ng 27 na katao, sinabi ng kapitan ng bangka na si Donald Anain na nagbigay siya ng P100 pesos na halaga ng saging at P50 na ‘pampangiti’.

Inamin rin ni Anain na nakasanayan na ring mag-overload ng pasahero sa kanilang kada biyahe bilang dagdag kita, bagay na ikinagalit ng mga senador.

Ayon pa kay Senador Raffy Tulfo, imbes na hanapbuhay ay “hanap patay” ang nangyari dahil nilagay sa alanganin ang buhay at kaligtasan ng mga pasahero para lang sa dagdag kita.

Bukod dito, napag-alaman rin na hindi lisensyadong magpatakbo ng bangka si Anain.

Imbes kasi na lisensya ay tanging identification record book lang ang mayroon ito.

Kaugnay ng mga naisiwalat na ito, tiniyak ni Senate Committee on Public Services Chairperson Senadora Grace Poe na papanagutin ang mga nagkulang kaya naganap ang trahedyang ito. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us