MMDA, tumulong sa paglilinis ng iba’t ibang paaralan sa Metro Manila bilang bahagi ng Brigada Eskwela 2023

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakiisa ang Metropolitan Manila Development Authority o MMDA sa pagsasagawa ng Brigada Eskwela 2023 sa iba’t ibang pampublikong paaralan sa Metro Manila ngayong araw.

Layon nitong matiyak na malinis at ligtas ang mga estudyante sa kanilang pagbabalik sa paraalan ngayong buwan.

Kaugnay nito ay winalis ng mga kawani ng MMDA ang loob at paligid ng eskwelahan, inalis ang mga basura sa mga drainage, at tinanggal ang mga sanga ng puno na maaaring sumabit sa mga kable ng kuryente na nagiging sagabal.

Kabilang sa mga pinuntahang paaralan ng MMDA ngayong araw ang Tonsuya Malabon Elementary School, Philippine Science High School, Maybunga Elementary School, Caniogan Elemetnary School, Pasig Elementary School, at San Jose Elementary School.

Matatandaang inanunsyo ng Department of Education ang opisyal na pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan para sa School Year 2023 – 2024 sa August 29, 2023. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us