Muling tiniyak ng Estados Unidos ang matibay nitong relasyon sa Pilipinas sa gitna ng mga hamon na kinakaharap nito mula sa China sa West Philippine Sea.
Ito ang pagtitiyak ng Embahada ng Amerika sa Pilipinas nang kumpirmahin nito ang nangyaring pag-uusap sa telepono nila Defense Sec. Gilberto Teodoro at US Defense Sec. Lloyd Austin kahapon
Ginawa ang pag uusap sa gitna na rin ng pinakahuling tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China nang itaboy ng Coast Guard nito ang resupply mission sa Ayungin Shoal
Sa naging pag uusap, nangako ang Amerika ng dobleng suporta nito sa Pilipinas sa bilateral training, interoperability, suporta sa nagpapatuloy na modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines o AFP
Muli ring tiniyak ng Amerika ang tulong nito para sa mga nasalanta ng Bagyong Egay kung saan, may mga nauna na silang naipadala sa Pilipinas para sa mga apektado ng kalamidad. | ulat ni Jaymark Dagala