Kinansela ng Philippine Airlines (PAL) ang dalawa nitong international flight dahil sa masamang panahon sa destinasyon nito.
Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA) Media Affairs Division, kabilang sa mga kinansela ang PAL flight PR 418/419 Maynila patungong Busan at pabalik ng Maynila.
Kanselado din ang dalawang international flight ng Cebu Pacific flight 5J 922/923 mula Maynila patungong Fukuoka at pabalik ng Maynila.
Dahil dito, inaabisuhan ng MIAA ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa kanilang airline company para sa rebooking o refund sa kanilang mga biyahe. | ulat ni Gab Villegas